^

PM Sports

Tagisan nina Valdez at Victorana

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi malayong mauwi sa tagisan sa hanay nina Alyssa Valdez at Victorana Galang kung ang pagiging pinakamahusay na manlalaro sa 77th UAAP women’s volleyball ang pag-uusapan.

Ang dalawang ito na naging MVP sa torneo ang siyang namamayagpag na dahilan kung bakit hindi pa natatalo ang nagdedepensang Ateneo Lady Eagles at La Salle Lady Archers matapos ang apat na laro.

Si Galang ang siyang nangunguna sa pagpuntos sa liga sa naitalang 83 hits o 20.7 average.

Pinagningning ito ni Galang sa pamamagitan ng 11 blocks na siyang pinakamarami sa liga. May 63 kills at 9 service ace pa ang Season 75th MVP ng UAAP.

Lumabas ang nagdedensang MVP na si Valdez bilang nangunguna sa attacks sa naitalang 68 kills. May 10 aces at 3 blocks pa ang kamador ng Ateneo para magkaroon ng 81 total hits at 20.2 hits average.

Ang manlalaro ng UP Lady Maroons na si Nicole Anne Tiamzon ang nasa ikatlong puwesto bitbit ang 62 total hits sa 54 kills, 5 blocks at 3 serve habang ang 6’4” spiker ng National University Lady Bulldogs na si Jaja Santiago at Mylene Paat ng Adamson ang kukumpleto sa unang limang puwesto.

May 49 kills si Santiago pero naghatid pa lamang ng tatlong blocks at may apat na service ace para sa 56 total hits habang si Paat ay nakasalo kay Galang sa pinakamaraming blocks na 11 bukod sa 37 kills at anim na aces tungo sa 54 total hits. (AT)

ALYSSA VALDEZ

ATENEO LADY EAGLES

GALANG

JAJA SANTIAGO

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY MAROONS

MYLENE PAAT

NATIONAL UNIVERSITY LADY BULLDOGS

NICOLE ANNE TIAMZON

SI GALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with