^

PM Sports

Apo ni Elorde umiskor ng 1st round KO

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging magaan ang panalo ni Juan Miguel Elorde kay Indonesian Oke Haryanto na kanyang pinatumba sa pamamagitan ng one-punch knockout sa first round ng kanilang 10-round featherweight clash sa Grand Ballroom ng Elorde Sports Center sa Sucat, Parañaque nitong weekend.

Nagpakawala ang apo ng boxing great na si Gabriel “Flash” Elorde ng right straight sa panga ni Haryanto na nagpatumba sa Indonesian, may 46 seconds ang oras sa opening round para surpresahin ang malaking crowd na kinabibilangan ng kanyang lola na si Laura Elorde.

Ito ang ikalimang sunod na knockout win ng batang Elorde na nagpalawig ng kanyang ring record sa 17 wins (kabilang ang siyam na KOs) kontra sa isang talo.

ELORDE

ELORDE SPORTS CENTER

GRAND BALLROOM

HARYANTO

INDONESIAN OKE HARYANTO

JUAN MIGUEL ELORDE

LAURA ELORDE

NAGPAKAWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with