Durant diniskaril ng Pelicans
NEW ORLEANS, Philippines – Parang hindi kinalawang si Kevin Durant nang matakasan niya si Anthony Davis para sa isang two-handed dunk o nang isalpak niya ang kanyang tatlong 3-pointers.
Sa kabila ng iniskor na 27 points ng reigning NBA MVP sa kanyang pagbabalik mula sa foot injury ay hindi pa rin ito naging sapat para ipanalo ang Oklahoma City.
Humugot si Tyreke Evans ng 15 sa kanyang 30 points sa fourth quarter habang humakot si Davis ng 25 points, 10 rebounds at 4 blocks para dalhin ang New Orleans Pelicans sa 112-104 panalo laban sa Thunder.
Winakasan ng Pelicans ang kanilang tatlong sunod na kamalasan.
“I was confident in myself. I knew my wind wasn’t where I wanted it to be, obviously, but I felt good out there,” sabi ni Durant, hindi nakita sa unang 17 laro ng Thunder matapos mabalian sa kanang paa.
Sa Auburn Hills, Mi-chigan, kumamada si Kobe Bryant ng 12 sunod na puntos sa third quarter para ihatid ang Los Angeles Lakers sa 106-96 panalo laban sa Detroit Pistons.
Hindi pinaiskor ng Pistons si Bryant sa first half, ngunit nalasap pa rin ang kanilang pang-siyam na sunod na kamalasan.
Tumipa si Jordan Hill ng 22 points, habang may 19 si reserve Nick Young.
Sa Cleveland, umiskor si Kyrie Irving ng 28 points, habang may 26 points at 10 assists si Le-Bron James para sa 111-108 panalo ng Cavaliers sa Milwaukee Bucks.
Ito ang ikaapat na dikit na panalo ng Cleveland.
Nag-ambag si Kevin Love ng 27 para sa Cavs.
- Latest