Yap, Ildefonso, Miller idadagdag sa PBA Greatest Players
MANILA, Philippines – Pangungunahan nina two-time MVP awardees James Yap, Danny Ildefonso at Willie Miller ang 15 players na idadagdag sa naunang listahan ng PBA greatest players para sa pagdiriwang ng local pro league ng ika-40 anibersaryo sa susunod na taon.
Ang iba pang MVP winners mula sa taong 2000 hanggang 2014, maliban kay three-year pro June Mar Fajardo ay napasama sa elite roster na pinili ng PBA special nomi-nation committee na pinamumunuan nina Robert Jaworski at Freddie Webb.
Makakasama nina Yap, Ildefonso, Miller, Asi Taulava, Eric Menk, Kelly Williams, Jayjay Helterbrand, Jimmy Alapag, Mark Caguioa at Arwind Santos sa grupo sina Jayson Castro, Marc Pingris, Kerby Raymundo, Chito Loyzaga at Marlou Aquino.
Ilang oras ang ginugol ng nomination committee, kinabibilangan nina PBA chairman Patrick Gregorio, vice chairman Robert Non, Congressman Elpidio Barzaga at media men Joaquin Henson at Barry Pascua para tapusin ang proseso ng pagpili ng mga honorees.
Sa isang blue-ribbon affair sa susunod na taon ay pararangalan ang naturang 15 players ng mga naunang hinirang na PBA greats sa silver anniversary ng PBA.
Ang unang 25 PBA Greatest Players ay sina Jaworski, Ramon Fernandez, Alvin Patrimonio, Bogs Adornado, Abet Guidaben, Benjie Paras, Atoy Co, Freddie Hu-balde, Philip Cezar, Ricky Brown, Johnny Abarrientos, Ato Agustin, Francis Arnaiz, Allan Caidic, Hector Calma, Jerry Codiñera, Kenneth Duremdes, Bernie Fabiosa, Danny Florencio, Jojo Lastimosa, Lim Eng Beng, Samboy Lim, Ronnie Magsanoc at Manny Paner.
Ang mga honorees ay dapat nakapaglaro ng buong limang seasons sa liga.
- Latest