Rosario tatanggap ng award sa scribes
MANILA, Philippines - Tatanggap sina Troy Rosario, Jiovani Jalalon, Gelo Alolino at Baser Amer ng special awards ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART sa 2014 Collegiate Basketball Awards sa Huwebes sa Saisaki-Kamayan EDSA.
Pamumunuan ni Rosario ang listahan ng mga awardees kung saan gagawaran ang UAAP champion National University standout ng Doctor J Breakthrough Player.
Sina Jalalon at Alolino, ang bibigyan ng Impact Player award dahil sa kanilang kontribusyon para sa Arellano Chiefs at NU Bulldogs ngayong season sa recognition dinner na suportado ng Smart Sports, Accel 3XVI at Kohl Industries (Doctor J alcohol, Bactigel hand sanitizer at Mighty Mom dishwashing liquid).
Hihirangin si Amer ng San Beda bilang ACCEL Court General mula sa kanyang pangunguna sa limang sunod na NCAA crown ng Red Lions.
Sina Eric Altamirano ng NU at Boyet Fernandez ng San Beda ang mamumuno sa listahan ng mga awardees na ibinibigay ng mga collegiate basketball scribes.
Tatanggapin nina Altamirano at Fernandez ang Coach of the Year award kasama sina Collegiate Mythical Team members Kiefer Ravena ng Ateneo, Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help, Ola Adeogun ng San Beda, Mac Belo ng Far Eastern University at Jeron Teng ng De La Salle.
- Latest