UAAP- NCAA Press Corps Collegiate Basketball awards Semerad, Aroga Pivotal Players
MANILA, Philippines - Bibigyan ng parangal sina Anthony Semerad at Alfred Aroga, ang dalawang players na naging dahilan ng paghahari ng kani-kanilang koponan, ng UAAP-NCAA Press Corps at ng SMART sa 2014 Collegiate Basketball Awards sa December 4 sa Saisaki-Kamayan Edsa.
Sina Semerad ng San Beda at Aroga ng National University ang nahirang na Pivotal Players, ang award na ibibigay ng mga collegiate basketball scribes sa mga manlalarong nakatulong sa tagumpay ng kanilang mga koponan ngayong season.
Nagtala si Semerad ng 30 points para tulungan ang Red Lions laban sa Arellano Chiefs sa pagkuha ng kanilang pang-limang sunod na NCAA crown bago umakyat sa PBA para maglaro sa Globalport.
Dinomina naman ni Aroga ang UAAP Finals, tampok ang kanyang 24-point, 18-rebound effort sa Game Three para tulungan ang Bulldogs na wakasan ang kanilang 60-year title drought nang gibain ang Far Eastern University Tamaraws.
Samantala, tatanggapin nina Glenn Khobuntin ng NU, Almond Vosotros ng De La Salle at Kyle Pascual ng San Beda ang Super Senior trophy sa recognition dinner na suportado ng Smart Sports, Accel 3XVI and Kohl Industries (Doctor J alcohol, Bactigel hand sanitizer at Mighty Mom dishwashing liquid).
Sina Eric Altamirano ng NU at Boyet Fernandez ng San Beda ang pararangalan ng Coach of the Year sa awards night kasama sina Collegiate Mythical Team members Kiefer Ravena ng Ateneo, Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help, Mac Belo ng Far Eastern University, Ola Adeogun ng San Beda at Jeron Teng ng De La Salle.
Ang annual event, suportado rin ng San Miguel Corporation, UAAP Season 77 host University of the East, NCAA Season 90 host Jose Rizal University, Gatorade at ng Philippine Sportswriters Association, ang pagpaparangal sa mga outstanding performers sa dalawang pangunahing varsity leagues sa bansa.
- Latest