^

PM Sports

Ancajas ‘di mapigilan

Pang-masa

MACAU – Patuloy ang pananalasa si reigning IBF Pan Pacific super flyweight champion Jerwin ‘Pretty Boy’ Ancajas, nang kanyang pabagsakin si Tanzanian Fadhili Mahija sa third round sa Cotai Arena ng The Venetian dito kahapon.

Dinomina ni Ancajas, ang tanging Pinoy fighter sa undercard ng Manny Pacquiao-Chris Algieri showdown, si Mahija sa kanilang eight-rounder kung saan nagpakawala siya ng mga solid combinations sa ulo at katawan bago niya niyanig ang kalaban ng kanyang matinding left straight para bumagsak ito.

Hindi na nakatayo pa ang hilong si Mahija na binilangan ng 10 para itigil ni Thai referee Prinit Prayadsab ang laban, may 1:48 minuto ang oras sa third round.

Ang  22-gulang na tubong Panabo City, Davao del Norte ns  si Ancajas,   komopo ng IBF Pan Pacific belt sa pamamagitan ng kanyang first round KO kay Petchwanchai Sor Visetkit noong May 3 sa University of Southeastern Philippines gym sa Davao City, ay mayroon na ngayong 22-1-1 win-loss-draw record, kabilang ang 14 KOs matapos itala ang kanyang ikapitong sunod na panalo

Nahulog naman si Mahija sa 15-6-4 na may pitong KOs.

ANCAJAS

COTAI ARENA

DAVAO CITY

MAHIJA

MANNY PACQUIAO-CHRIS ALGIERI

PAN PACIFIC

PANABO CITY

PETCHWANCHAI SOR VISETKIT

PRETTY BOY

PRINIT PRAYADSAB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with