^

PM Sports

Taulava nagbida sa panalo ng NLEX

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinakita ni 6-foot-10 Fil-Tongan Asi Taulava ang kanyang lakas kasabay ng pagtulong sa Road Warriors na makabangon mula sa tatlong sunod na kamalasan.

Humakot si Taulava ng 24 points, tampok ang di-senteng 8-of-11 fieldgoal shooting at 10 rebounds para pagbidahan ang 104-84 paglampaso ng NLEX sa expansion team na Blackwater sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagdagdag si Mac Cardona ng 21 markers para sa Road Warriors, ipinalasap sa Elite ang pangwalong sunod na kamalasan nito.

“At least we came back from a three-game losing streak. We really worked hard executing both on defense and offense,” sabi ni head coach Boyet Fernandez.

Mula sa maliit na six-point lead sa first period ay pinalobo ng NLEX ang kanilang kalamangan sa 58-41 laban sa Blackwater  sa halftime.

Ipinoste ng Road Warriors ang 23-point advantage, 79-56 mula sa basket ni Borgie Hermida sa dulo ng third quarter para tuluyan nang alisan ng pag-asa ang Elite.

Samantala, pipiliting bumangon ng Alaska mula sa nalasap nilang kauna-unahang kabiguan sa pagharap sa Globalport ngayong alas-5 ng hapon sa Cagayan De Oro City.

Yumukod ang Aces sa Barako Bull Energy, 78-85 noong Nobyembre 19, habang tinalo ng Batang Pier ang Talk ‘N Text, 105-97 noong Nobyembre 18. (RCadayona)

NLEX 104 - Taulava 24, Cardona 21, Villanueva J. 17, Ramos 16, Borboran 10, Villanueva E. 8, Canaleta 3, Hermida 2, Raymundo 2, Apinan 1, Camson 0, Arboleda W. 0, Arboleda H. 0, Baloria 0.

Blackwater 84 - Menor 15, Celiz 11, Gamalinda 10, Faundo 9, Artadi 8, Heruela 6, Salvacion 6, Tiongson 4, Erram 4, Laure 4, Rodriguez 3, Timberlake 2, Nuyles 2, Ballesteros 0.

Quarterscores: 26-20; 58-41; 85-62; 104-84.

ANTIPOLO CITY

ARBOLEDA H

ARBOLEDA W

BARAKO BULL ENERGY

BATANG PIER

BORGIE HERMIDA

BOYET FERNANDEZ

CAGAYAN DE ORO CITY

FIL-TONGAN ASI TAULAVA

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with