^

PM Sports

Si Baldwin at Uichico pala?

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Maagang  naglabas kahapon ng klaripikasyon si SBP executive director Sonny Barrios hinggil sa criteria na ginamit nila sa pagpili ng kandidato na hahalili kay Chot Reyes bilang national coach.

Ang kanyang klaripikasyon ay ukol sa “full time availability.”

Naglabas si “SBP ED” ng klaripikasyon dahil mukhang palpak ang sports media sa paghula ng dalawang natitirang kandidato para sa posisyon.

Ang siste ay inakala ng mga sportswriters na awtomatikong out na sa labanan ang mga current PBA coaches na sina Tim Cone, Yeng Guiao, Norman Black at Jong Uichico.

“Gilas head coach must be full time only when he takes over the team and the program. If currently coaching, he must take a leave from his present job when he starts with Gilas,” paliwanag ni Barrios sa text message.

Agad kong na-interview sa telepono si SBP ED pagkatanggap ng kanyang text message.

“Inamin ko kay (SBP screening committee) chairman Ricky Vargas, ‘partner hindi klaripikado ang anunsyo ko ng criteria.’ Inako ko ang pagkakamali,” ani Barrios, hindi deretsahang sinasabi na mali ang hula ng sports media.

“Hindi out ang mga current coaches. Actually, maaring pareho pa ngang current PBA coaches ang dalawang kandidato,” dagdag pa ni Barrios.

Suhestyon pa niya na madaling makakapag-elimi-nation process kung hihimayin ng husto ang mga criteria. Mabigat na factor ang international experience/exposure na lalo nilang pinalalim sa pagdagdag ng linya na: “The most recent and the most extensive the better.” Isa pa ang pamilyaridad sa Gilas Pilipinas program.

Sa anunsyo ni Barrios noong Miyerkules, anim ang inisyal na nominado at dalawa ang natira nang gamitin na nila ang kanilang set of criteria.

Sa pag-aakalang awtomatikong out ang mga current PBA coaches, si Tab Baldwin at Ryan Gregorio ang naging hula ng mga sportswriters na “Final Two.”

Ngunit sa pagsusuri sa klaripikasyon ni Barrios, lalabas na nasa karera pa sina Uichico at Black.

Ang apat ay pawang nasa coaching staff ni Reyes. Samakatuwid, sila ang pamilyar sa Gilas program at sila ang mga coaches na may “most recent, extensive international exposure.”

Sa bandang huli, si Baldwin at Uichico ang sapantaha kong dalawa na pagpipilian ni SBP president Manny V. Pangilinan na maging bagong national head coach.

 

CHOT REYES

FINAL TWO

GILAS PILIPINAS

JONG UICHICO

MANNY V

NORMAN BLACK

RICKY VARGAS

RYAN GREGORIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with