Natalo ang Cavaliers sa pagmamadali ni LeBron
CLEVELAND – Wala nang natitirang timeouts, kaya ‘di na nakapag-isip si LeBron James kungdi ang magmadali na lamang.
Sa papaupos na oras ng laro, tinangka ni James na magdribol sa kanyang likod, ngunit nawala sa kanya ang bola pati na ang laro para sa Cavaliers.
Napigilan uli si James ng San Antonio Spurs.
Umiskor sina Tim Duncan at Boris Diaw ng tig-19 points para tulu-ngan ang defending NBA champions na talunin ang Cleveland sa pang-10 sunod na pagkakataon sa bisa ng kanilang 92-90 panalo kontra kay James at sa Cavaliers.
Nagsalpak si Manu Ginobili ng layup sa natitirang 18 segundo at kumonekta ng isang free throw sa hu-ling 9.1 segundo kasunod ang kanyang pagdedepensa kay James na nagresulta sa turnover sa huling 1.9 segundo ng laro.
Ito ang unang paghaharap ng San Antonio at ni James matapos noong Hunyo kung saan tinalo ng Spurs ang Miami Heat sa NBA Finals.
“I went behind my back and just lost it,” sabi ni James sa kanyang turnover. “That’s how the ball rolls sometimes.”
Tumipa si Anderson Varejao ng 23 points, habang may 20 si Kyrie Irving kasunod ang 15 ni James para sa Cavs, nahulog sa 5-5 record.
Nagtala si James ng mahinang 6-of-17 fieldgoal shooting, habang may 4-of-12 si Kevin Love para sa kanyang 17 points.
Sa Toronto, tumipa si DeMar DeRozan ng 21 points, habang humugot si Terrence Ross ng 14 sa kanyang 16 points sa fourth quarter para sa 96-92 panalo ng Raptors laban sa Memphis Grizzlies, 96-92.
Hindi nakapaglaro sina Grizzlies guard Courtney Lee at forward Tony Allen bunga ng stomach virus bukod pa kina Memphis center Kosta Koufos, forward Jon Leuer at guard Beno Udrih. Naglaro ang Memphis na may 10 active players lamang.
Sa Houston, tumipa si Kobe Bryant ng 29 points at nagsalpak si Wesley Johnson ng mahalagang free throws para samantalahin ng Los Angeles La-kers ang hindi paglalaro ni Dwight Howard at pitasin ang 98-92 panalo kontra sa Houston Rockets.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Lakers matapos ang 1-9 simula.
- Latest