^

PM Sports

Alaska silat sa Barako

Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala silang ginawang espesyal na estratehiya sa pagsagupa sa mainit na Alaska.

Ang ginawa lamang ng Barako Bull, ayon kay head coach Koy Banal ay sundin ang kanilang napagkasunduang game plan.

“We didn’t do anything extra ordinary with regards to the game plan. We just stayed focused on the game plan,” sabi ni Banal.

At ang resulta nito ay ang 85-78 pagsorpresa ng Energy laban sa Aces para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang tinalo ng Barako Bull ang Kia Sorento, 87-71 noong Linggo matapos ang 0-5 panimula.

Ipinalasap ng Energy ang kauna-unahang kabiguan ng Aces sa torneo.

Ngunit hindi ito na-ging madali bagama’t nakapagposte ang Barako Bull ng 21-point lead, 54-33, sa 8:42 minuto ng third period.

“We cannot afford to relax, to stop moving. We just had to push our acti-vity level a notch higher just to keep up with them,” wika ni Banal sa Alaska ni American mentor Alex Compton.

Mula sa naturang pagkakabaon ay nakadikit ang Aces sa 73-79 sa huling 1:10 minuto ng final canto.

Pinangunahan ni vete-ran guard Denok Miranda ang Energy sa kanyang 21 points, tampok dito ang 4-of-5 shooting sa three-point line, kasunod ang 18 ni RR Garcia, 12 ni rookie Jake Pascual at 10 ni Chico Lanete.

BARAKO BULL 85 - Miranda 21, Garcia 18, Pascual 12, Lanete 10, Intal 8, Lastimosa 7, Wilson 6, Hubalde 2, Pennisi 1, Salvador 0, Salva 0, Marcelo 0, Paredes 0.

Alaska 78 - Abueva 16, Manuel 15, Casio 13, Hontiveros 8, Jazul 8, Menk 5, Banchero 4, Exciminiano 4, Baguio 3, Thoss 2, Eman 0, Dela Rosa 0, Bugia 0, Dela Cruz 0.

Quarterscores: 20-18; 49-31; 65-54; 85-78.

ALEX COMPTON

BARAKO BULL

CHICO LANETE

DELA CRUZ

DELA ROSA

DENOK MIRANDA

GARCIA

JAKE PASCUAL

KIA SORENTO

KOY BANAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with