Generika lusot sa Cignal
MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Natalia Korobkova ang Generika sa makapigil hiningang 25-19, 25-20, 20-25, 22-25, 15-9 panalo kontra sa Cignal sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics na nagpatuloy kahapon sa Cuneta Astrodome.
Nagsilbing haligi ng Generika ang 6’3 Russian na si Korobkova sa deciding set sa pagkopo ng Life Savers ng ikaapat na sunod na panalo sa women’s division ng inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core katulong ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.
Iniskor ni Korobkova ang lahat ng kanyang 26 points sa kills para ilagay ang Generika sa second spot taglay ang 5-3 karta sa likod ng leader na Petron na may 6-1 win-loss slate.
Ang HD Spikers ay nalaglag sa 3-5 karta at lumabo ang kanilang tsansang makaabot sa semis.
May kontribusyon din ang mga locals ng Generika na sina Aby Maraño, Cha Cruz at Stephanie Mercado na nagdeliber ng 14, 13 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.
- Latest