^

PM Sports

Kings, Gay nagkasundo sa $40M, 3-year deal

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Sacramento Kings at si forward Rudy Gay sa $40 million, three-year contract extension na matatapos sa 2017-18 season, ayon sa isang source.

Ang extension ay may player option sa huling taon ng deal.

Ang opt-out clause ay magbibigay kay Gay ng tsansang maging free agent matapos ang dalawang taon kapag tumaas na ang salary cap sa NBA sa pagkakaroon ng bagong  TV deal.

Si Gay ay kikita ng $19.3 million ngayong season matapos gamitin ang kanyang player option noong Summer para magbalik sa Sacramento. Magiging free agent na sana siya sa July.

Nakuha ng Kings si Gay sa pakikipag-trade sa Toronto noong nakaraang season para maging katuwang ni center DeMarcus Cousins upang maging pamatay na dynamic scoring duo ng Kings.

Si Gay ay may average na 22.5 points, 6.8 rebounds at 3.5 assists ngayong season upang tulungan ang Sacramento sa 6-4 simula.

vuukle comment

GAY

KINGS

MAGIGING

MAGING

NAGKASUNDO

NAKUHA

RUDY GAY

SACRAMENTO KINGS

SEASON

SI GAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with