Simula na ng pagdedepensa ni Arcilla sa PCA Open
MANILA, Philippines - Sisimulan ni eight-time champion Johnny Arcilla ang kanyang pagdedepensa ng titulo sa pakiki-pagharap kay Miguel Dela Paz sa pagsisimula ng 33rd Philippine Columbian Association (PCA) Open sa PCA indoor courts sa Paco, Manila.
Sasalang din sina top seed Patrick John Tierro, No. 3 Marc Anthony Reyes at fourth pick Elbert Anasta sa men’s singles event.
Tangka ni Tierro na pigilan ang pagpapanalo ng boys’ 18-under champion na si Joshua Cano at sasagupain naman ni Reyes, runner-up noong nakaraang taon, si John Jeric Accion habang makikipagpaluan naman si Anasta kay Bryan Otico.
Ang iba pang ranked players na mapapalaban ay sina 5th ranked Rolando Ruel Jr. kontra kay Jhun Anthony Alcoseba, No. 6 Alberto Lim Jr. laban kay Antonio Sagansay at No. 8 Roel Capangpangan kontra kay Gabby Gutierrez.
Bukas sisimulan ang men’s doubles habang uumpiisahan ni Marian Jade Capadocia ang pagdedepensa ng kanyang titulo sa ladies division sa Martes. Ang ladies’ doubles division ay sisimulan naman sa Miyerkules.
Kabuuang P600,000 ang cash prize kung saan ang men’s singles champion ay mag-uuwi ng P100,000 habang ang runner-up ay kokolekta ng P50,000.
- Latest