^

PM Sports

Jumbo Plastic, Café France unahan sa 3-0

Pang-masa

MANILA, Philippines – Magpapang-abot ang dalawang wala pang  talong  koponan na Jumbo Plastic Giants at Café France Bakers habang  sasalo rin sa 3-0 karta ang Cagayan Valley Ri-sing Suns sa pagbabalik-laro ng PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang Bakers at Giants ay magkikita dakong alas-2 ng hapon at mag-uunahan sila sa pagpapalawig ng winning streak sa tatlong sunod.

Tinalo ng  Bakers ang MP Hotel Warriors (86-59) at Racal Motors (67-56), habang ang Giants ay na-ngibabaw sa  Bread Story-Lyceum (79-74) at Cebuana Lhuillier Gems (63-61).

Ang huling  panalo ng Jumbo Plastic ang nagpapatibay sa estado ng koponan bilang isa sa mga biga-ting team sa liga bagay na siyang nais na masukat ni coach Edgar Macaraya.

Kasukatan ng Rising Suns ang Gems sa hu-ling laro dakong alas-4 ng hapon at aasa pa rin ang una sa galing ni Michael Mabulac para maisantabi ang ‘di paglalaro ng top rookie pick na si 6’7”  Moala Tautuaa na luma-laro pa sa ASEAN Basketball League Finals para sa koponan ng Malaysia.

Babangon naman ang Tanduay Light sa masamang pagkatalo sa  hu-ling laro laban sa Bread Story-Lyceum sa unang sultada sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Ipinahiya ng Hapee Fresh Fighters ang Rhum Masters, 73-53 para  magsolo sa  unahan ang bataan ni coach  Ronnie  Magsanoc sa 3-0 baraha.

Napapaboran ang Tanduay sa Bread Story hindi lamang dahil hindi pa nananalo ang nasabing koponan matapos ang dalawang laro kungdi dahil babalik din sa bench ang head coach ng Rhum Masters na si Lawrence Chongson.

Binigyan ng one-game suspension at pinatawan ng P150,000.00 multa si Chongson matapos ang mainit na pahayag tungkol sa di balanseng kompetis-yon sa liga. (AT)

ANG BAKERS

BASKETBALL LEAGUE FINALS

BREAD STORY

BREAD STORY-LYCEUM

CAGAYAN VALLEY RI

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE ASPIRANTS

EDGAR MACARAYA

RHUM MASTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with