UAAP, PXC pag-uusapan sa PSA Forum ngayon
MANILA, Philippines – Ang mga aksyon sa ikalawang yugto ng UAAP Season 77 ang tatalakayin sa Philippine Sportswri-ters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.
Ilalahad ni UAAP secretary-treasurer Rodrigo Roque, ang athletic director din ng host school University of the East, ang second semester program ng liga at ang gagawin nilang pag-a-adjust sa pagpapatupad ng K+12 curriculum.
Dadalo rin sa public sports program na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Accel, Philippine Amusement and Gaming Corporation at Shakey’s ang mga opisyales ng Manila-Tagaytay bike challenge at Pacific Xtreme Combat (PXC) 46.
Ang mga ito ay sina bike challenge event organizer at race director Philip Pacle, finish line controller Joe Decapia, team excellent Manny Ojerio at marketing director Jones Campos.
Ang mixed martial arts ay kakatawanin ni PXC president EJ Calvo kasama ang Team Lakay fighters na sina Crisanto Pitpitungue at Gina Iniong.
- Latest















