Si Deng na ang bagong No. 3 player ng Miami
DALLAS – Pinag-aaralan pa rin ni Luol Deng kung paano siya maglalaro bilang bagong No. 3 player ng Miami Heat kasama sina Chris Bosh at Dwyane Wade.
Umiskor si Deng ng season-high na 30 points, habang nagdagdag sina Bosh at Wade ng tig-20 markers para pagbidahan ang Heat sa 105-96 tagumpay laban sa Dallas Mavericks na hindi pa nananalo sa kanila sapul noong 2011 NBA Finals.
Ito ang pang-pitong sunod na panalo ng Heat kontra sa Mavericks sa regular season.
Naglaro ang Miami nang wala si LeBron James sa kanilang rematch ng Dallas na mu-ling ipinarada sina Tyson Chandler at J.J. Barea.
Nagtala si Deng ng 13- of-19 fieldgoal shooting bukod pa sa kanyang 5 rebounds at 4 assists para sa panalo ng Heat.
“We still have a lot to figure out,’’ sabi ni Deng. “Their game plan today, they doubled Bosh and D-Wade, and we did a good job of moving the ball and had a lot of open jumpers.’’
Sa Toronto, kumamada si DeMar DeRozan ng 24 points, habang may 17 si Terrence Ross para tulungan ang Raptors sa 120-88 pagdurog sa Phi-ladelphia 76ers.
Nag-ambag si Lou Williams ng season-high na 16 kontra sa dati niyang team kasunod ang 14 ni Kyle Lowry para sa Raptors, nangingibabaw sa Eastern Conference sa unang pagkakataon sa kanilang 20-year history bunga ng kanilang 6-1 record.
Sa Portland, humakot si LaMarcus Aldridge ng 28 points at 9 rebounds sa 116-100 panalo ng Trail Blazers laban sa Denver Nuggets.
Nagposte ang Bla-zers, nakamit ang kanilang ikatlong panalo sa apat na laro, ng 16-of-31 shooting sa 3-point line at may limang starters na umiskor sa double figures.
Sa likod ng kanilang depensa ay nilimitahan ng Portland ang Denver sa 17 points sa third quarter.
- Latest
















