^

PM Sports

Priority sports ng PSC sakto lang - Garcia

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang nakikitang problema si PSC chairman Ricardo Garcia sa kasalukuyang talaan ng sports na nakapasok sa priority list na sinusuportahan ng Komisyon.

Ipinagmamalaki pa ni Garcia na tama ang mga inilagay nilang sports dahil naghatid ng medalya ang karamihan sa nasa talaan.

Ang athletics, archery, boxing, taekwondo at wushu ay nagbigay ng karangalan sa Asian Games at tanging ang bowling at wrestling ang minalas na walang naiuwing medalya.

Ang billiards ay kasama rin sa listahan pero hindi ito nilaro sa Asiad.

“Except for BMX cycling, which is not part of the priority list, majority of them delivered medals. So we are on the right track as far as our priority sports is concern,” wika ni Garcia.

Ang weightlifting at swimming ang dalawa pang sports na nasa orihinal na talaan pero inalis na ito ni Garcia dahil hindi naghatid ng medalya.

Ipinalit sa weightlifting ang chess habang ang contact sport na judo ang humalinhin sa swimming.

Ang mga nasa talaan ay nabibigyan ng dagdag pondo na magagamit ng asosasyon para sa fo-reign training o exposure o sa pagkuha ng foreign coach para gumaling ang kanilang mga atleta.

Hindi rin kinatigan ni Garcia ang patutsada ni swimming president Mark Joseph na patuloy na sasadsad ang Pilipinas kung ang medal output ang pag-uusapan sa SEA Games sa Singapore dahil limitadong panahon ang ibinibigay sa mga atleta.

“Hindi naman tama na sabihin na eight months lang ang preparasyon natin for Singapore dahil noong pumasok kami four years ago ay hindi kami huminto at hindi rin huminto ang training ng mga atleta dahil may programa. Ang swimming maaaring huminto dahil hindi na sila nagde-deliver dahil walang programa kaya inalis sila sa priority list,” wika nng PSC head.

 

ASIAD

ASIAN GAMES

DAHIL

GARCIA

IPINAGMAMALAKI

IPINALIT

KOMISYON

MARK JOSEPH

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with