^

PM Sports

SBP screening committees magsisimula nang magpulong

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo ang Search & Screening Committee na binuo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, kanabibilangan ng mga major stakeholders ng SBP na inatasang gumawa ng listahan ng mga kandidato para maging coach ng Gilas Pilipinas.

Kabilang sa komite na ang mamumuno ay si SBP vice chairman Ricky Vargas ay sina PBA commissioner Chito Salud, PBA chairman Pato Gregorio, PBA vice chairman Robert Non (kinatawan ng PBA D-League) at SBP executive director Sonny Barrios na gagawa rin ng parameters at criteria para sa bagong national team na bubuuin.

Magkakaroon ng mga diliberasyon at ang mga mapipiling pangalan ay isusumite kay SBP president Manny V. Pangilinan, pinuno ng SBP Executive Committee para sa final decision.

Binuo rin ang Search & Screening Committee para sa national teams na walang PBA players na nakatakdang magpulong sa Nov. 15. Si Barrios bilang SBP representative ang chairman ng grupo na kinabibilangan ng mga SBP Board of Trustees members Edmundo  Baculi ng UAAP, Fr. Victor Calvo, O.P. (NCAA), Raul Alcoseba (CESAFI at Visayas-Mindanao regions) at Dr. Ernesto Jay Adalem (NAASCU at NCR).

 

 

BOARD OF TRUSTEES

CHITO SALUD

DR. ERNESTO JAY ADALEM

EXECUTIVE COMMITTEE

GILAS PILIPINAS

MANNY V

PATO GREGORIO

RAUL ALCOSEBA

RICKY VARGAS

ROBERT NON

SCREENING COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with