^

PM Sports

Kukunin na ng PLDT at FEU ang 3rd place

Pang-masa

MANILA, Philippines - Asahan na hihigitan pa ng PLDT Home Telpad Turbo Boosters at FEU Tamaraws ang naipakitang laro noong Martes para angkinin ang ikatlong puwesto sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sasalang muna ang FEU kontra sa Rizal Technological University Blue Thunders sa men’s division sa ganap na ika-2 ng hapon bago puma-lit ang Turbo Boosters kontra sa Meralco Power Spikers dakong alas-4 sa women’s division ng  ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod sa ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Sina Joshua Barrica, Greg Dolor, Jeric Gacutan at Franco Camcam ang mga kakamada uli para sa FEU na nagtulung-tulong sa 30-28, 21-25, 25-16, 25-23 panalo sa Game One noong Martes.

Napalaban ang PLDT sa Meralco pero sapat ang karanasan ng kanilang mga manlalaro para maipanalo ang ikaapat at ikalimang sets, 25-21, 21-25, 20-25, 25-20, 15-11.

Ang husay nina Gret-chel Soltones, Sue Roces, Maruja Banaticla, Angela Benting, Rysabelle Devanadera at Rubie De Leon ang pagkakatiwalaan uli ng PLDT para wakasan na ang best-of-three series.

Asahan na gagawin ng Power Spikers ang lahat ng makakaya upang makuha ang panalo na tatapos sa pitong dikit na pagkatalo sa liga sa tulong nina Abby Maraño at imports Wanida Kotruang at Misao Tanyama. (AT)

vuukle comment

ABBY MARA

ANGELA BENTING

ASAHAN

FRANCO CAMCAM

GAME ONE

GREG DOLOR

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

JERIC GACUTAN

MARUJA BANATICLA

MERALCO POWER SPIKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with