PLDT, FEU Spikers nakauna
MANILA, Philippines – Kapwa nanalo ang PLDT Home Telpad at ang FEU Tamaraws sa magkahiwalay na laro upang makalapit sa konsolasyong third place sa Shakey’s V-League Season 11-Third Confe-rence na nilaro sa The Arena sa San Juan City.
Sumandal ang PLDT kina Gret-chel Soltones at Suzanne Roces nang kanilang igupo ang Meralco sa larong umabot ng 5-sets, 25-21, 21-25, 20-25, 25-20, 15-11 sa ikalawang laro para sa women’s division.
Nagtala si Soltones ng 23 hits kabilang ang 20 sa kills habang nagpaka-wala si Roces ng 19 sa kanyang 21 hits sa kills upang ihatid sa panalo ang Turbo Boosters.
Nakauna rin ang FEU Tamaraws sa Rizal Technological University Blue Thunders sa men’s action sa 30-28, 21-25, 25-16, 25-23 panalo sa unang laro.
Ang mga panalo ay naglapit sa PLDT at sa FEU sa third place trophy matapos kunin ang 1-0 bentahe sa kani-kanilang best-of-three series.
Nagtala si power-hitter Angela Benting ng 7-points lamang ngunit ang kanyang kill sa fifth at final set ang nagselyo ng panalo.
Sinandalan ng Tamaraws ang lakas sa pag-atake at ang magandang serve para makauna sa RTU.
Hinawakan ng FEU ang 54-43 bentahe sa attacks at sina Greg Dolor at Joshua Barrica na nagtala ng tig-18 puntos ay nagsanib sa 31 kills habang may 9-2 bentahe rin ang FEU sa serve at si Franco Camcam ay may tatlong aces.
Kailangan na lamang ng Turbo Boosters at Tamaraws na manalo bukas sa Game Two ng kani-kanilang dibis-yon para kunin ang konsolasyong pa-ngatlong puwesto. (AT)
- Latest