^

PM Sports

Lady Eagles markado sa UAAP women’s volleyball

Pang-masa

MANILA, Philippines – Markado ang Ateneo sa kanilang pagdedepensa ng titulo sa UAAP Season 77 women’s volleyball tournament na magbubukas sa Nov. 22 sa Mall of Asia Arena.

Bubuksan ng Ateneo volleybelles ang kanilang kampanya para sa ikalawang sunod na titulo sa pakikipagharap sa Natio-nal University sa tampok na laro sa apat na game sa opening day.

Ang sagupaaan ng Lady Eagles na magsasalang ng intact na roster at ng Lady Bulldogs ay rematch ng kanilang labanan sa stepladder semifinals noong nakaraang taon.

Maghaharap din ang  University of Santo Tomas at University of the East sa ikalawang women’s action sa alas-2 ng hapon.

Sa  men’s division na kasabay ding magsisimu-la, maghaharap ang NU Adamson University sa alas-8:00 ng umaga at lalabanan ng Ateneo ang Far Eastern University sa alas-10:00.

Lilipat ang aksiyon sa  Filoil Flying V Arena sa San Juan kinabukasan kung saan sasalang ang De La Salle, sinayang ang thrice-to-beat finals advantage laban sa Ateneo na tumapos sa kanilang  tatlong taong paghahari noong March, sa pagsisimula ng kanilang pagbawi sa pakikipagharap sa Adamson sa alas-4:00 ng hapon.

Ang FEU at University of the Philippines ay magsasagupa naman sa alas-2 ng hapon.

Ang Lady Eagles ay babanderahan nina MVP Alyssa Valdez, Michelle Morente, Jia Morado, Kim Gequillana, Amy Ahomiro at libero Denden Lazaro.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ANG LADY EAGLES

ATENEO

DE LA SALLE

DENDEN LAZARO

FAR EASTERN UNIVERSITY

FILOIL FLYING V ARENA

JIA MORADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with