Jarin bagong coach ng SBC
MANILA, Philippines – Si Jamike Jarin ang hinirang na bagong head coach ng San Beda Red Lions.
Ito ay matapos ang pakikipag-usap nina Jarin at San Beda team manager Jude Roque kay San Beda Rector-President Fr. Aloysius Maranan, OSB, sa San Beda campus kahapon.
“Yes, I met with Fr. Rector (Maranan) today (kahapon) and boss MVP (Manny V. Pangilinan) told me two days ago that he just recommended me for the job,” sabi ng 44-anyos na si Jarin, nag-aral ng elementary at high school sa San Beda.
Ayon kay Roque, opisyal na tatayong coach si Jarin ng Red Lions matapos ang Champions League.
“Adonis Tierra will handle the team in the Champions League before coach Jamike takes over after the tournament,” wika ni Roque.
Si Jarin ang pumalit kay Boyet Fernandez na gumigiya ngayon sa NLEX sa PBA at siya ang ikaanim na coach ng Red Lions sa nakaraang dekada matapos hawakan nina Nash Racela, Koy Banal, Frankie Lim, Ronnie Magsanoc at Fernandez.
Ito ang magiging unang coaching job ni Jarin sa collegiate level makaraang ihatid ang Ateneo Eaglets sa walong UAAP high school championships simula noong 1998 at tinulungan ang national youth squad na Batang Gilas sa kauna-unahang paglalaro sa world stage.
“It’s a brand new challenge for me to accept my first college head coaching job and I hope I will not disappoint people who believed in me,” wika ni Jarin.
Si Jarin ang gagabay sa hangad na sixth-peat ng Red Lions sa susunod na season.
Sa ilalim ni Fernandez, nagkampeon ang Red Lions ng dalawang sunod matapos walisin ang Arellano University Chiefs sa kanilang title series.
- Latest