Meralco 2-0 na rin
MANILA, Philippines – Nang tumamlay ang laro ng kanyang first five ay sumandig si head coach Norman Black sa kanyang second stringers.
Kumolekta si power forward Cliff Hodge ng 26 points at 18 rebounds, habang nagsalpak si John Wilson ng dalawang krusyal na three-point shot sa overtime para banderahan ang Meralco sa 83-75 panalo kontra sa Blackwater sa 2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtayo ang Bolts ng 19-point lead, 51-32 sa third period hanggang umiskor ang Elite ng 23 points sa kabuuan ng fourth quarter para makatabla sa 70-70 mula sa 3-point shot ni Bam Bam Gamalinda sa hu-ling 14.8 segundo patungo sa extra period.
Ang basket ni Gamalinda sa pagbubukas ng extension ang nagbigay sa Blackwater, nalasap ang kanilang ikatlong sunod na kamalasan, ng 72-70 bentahe ngunit ang tres ni Wilson at tirada ni Mike Cortez ang nagbigay ng 78-72 kalamangan sa Meralco sa 2:34 minuto ng laro.
Nagsalpak si Alex Nuyles, umiskor ng 8 points sa fourth quarter, ng isang free throw para sa 73-78 agwat ng Elite ngunit nagtulong sina Wilson at Hodge para ilayo ang Bolts sa 83-73 sa huling 13.7 segundo.
Samantala, pipilitin ng Barangay Ginebra na masolo ang liderato sa pagharap sa NLEX ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagtatagpo ng Rain or Shine at Kia Sorento sa alas-4:15 ng hapon sa Big Dome.
Meralco 83 - Hodge 26, Guevarra 10, Wilson 9, Anthony 9, David 7, Ildefonso 6, Ferriols 6, Atkins 4, Cortez 2, Dillinger 2, Hugnatan 2, Morrison 0, Buenafe 0, Sena 0, Macapagal 0.
Blackwater 75 - Nuyles 14, Menor 14, Faundo 10, Gamalinda 10, Artadi 6, Laure 6, Timberlake 5, Erram 4, Tiongson 2, Rodriguez 2, Ballesteros 2, Cawaling 0, Austria 0.
Quarterscores: 26-20; 44-32; 61-47; 70-70; 83-75 (OT).
- Latest