^

PM Sports

Blaze Spikers tinalo ang Lady Stallions para sumosyo sa liderato ng 2014 PSL

Pang-masa

STO. DOMINGO, Ilocos Sur , Philippines-- Nalampasan ng Petron ang matinding inilaro ni Mane ‘N Tail import Kristy Jaeckel ma­tapos ihataw ang 21-25, 25-16, 25-21, 29-27 pa­nalo para makasalo sa liderato ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na inihahandog ng Asics kahapon dito sa Sto. Domingo Coliseum.

Sa kabila ng kanyang lagnat ay naglaro pa rin si Brazilian reinforcement Erica Adachi, habang nag­tuwang sina American im­port Alaina Bergsma, Din­din Santiago at Carmi­na Aganon para sa 2-0 record ng Blaze Spikers at saluhan sa unahan ang Cignal  HD Spikers.

Nagposte si Adachi ng match-best na 53 excellent sets bukod pa sa kanyang 8 hits.

Humataw naman si Bergsma ng 25 hits, mula sa kanyang 18 spikes, 3 blocks at 4 service aces, samantalang sina Aganon at Santiago ay nagdagdag ng 15 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.

Nagsalansan si Jaeckel ng 37 hits sa panig ng La­dy Stallions.

Si Santiago, dumating dito noong Biyernes kasama si Aganon matapos mag­laro para sa PLDT sa Shakey’s V-League, ang nagbigay ng huling tat­long puntos sa Petron pa­ra sa kanilang 28-27 ben­tahe sa Mane ‘N Tail.

Nagkaroon ng pagka­kataon si Jaeckel na maitabla ang Lady Stallions ngunit lumampas sa target ang kanyang spike na nag­resulta sa panalo ng Blaze Spikers.

Nalasap ng Main ‘N Tail ang 0-2 baraha.

Pag-aagawan ng Petron at ng Cignal ang una­han sa Miyerkules.

 

AGANON

ALAINA BERGSMA

BLAZE SPIKERS

CIGNAL

DOMINGO COLISEUM

ERICA ADACHI

N TAIL

PETRON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with