^

PM Sports

Gin Kings pinatumba ang Tropang Texters Pacquiao wagi sa PBA debut

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natupad ni Manny Pacquiao ang kanyang pinapa­ngarap na makapaglaro sa Philippine Basketball Asso­ciation.

Bilang playing coach, iginiya ng 5-foot-6 at 35-anyos na si Pacquiao ang Kia Motors sa 80-66 pag­giba sa Blackwater sa pagbubukas ng 2014 PBA Philippine Cup kagabi sa 55,000-seater na Philippine Are­na sa Bocaue, Bulacan.

Ilang minuto lamang naglaro ang Filipino world eight-division champion at tumapos na may 2 turnovers at 1 foul, ngunit nakakuha ng career-high na 23 points kay guard LA Revilla.

“Si LA maganda ‘yung inilaro niya. Noong second half maganda ang pinakita niya,” sabi ni Pacquiao sa da­ting La Salle Green Archer. “Malaking bagay ‘yung ginawa ni LA tonight. Hindi baleng hindi ako maka­pag­laro basta laging mananalo ang Kia.”

Idinagdag ni Pacquiao na tatapusin muna niya ang laban kay Chris Algieri sa Nobyembre 22 bago muling maglaro sa Sorento.

“Hindi na ako maglalaro, after na lang ulit ng fight,” sabi ng world welterweight champion.

Humugot si Revilla, nagmula sa Globalport, ng 14 points sa third period kung saan kumamada ang Kia pa­ra ibasura ang 13-point lead ng Blackwater sa first half at agawin ang 61-51 bentahe sa fourth quarter.

At mula dito ay hindi na nakabangon ang Elite ni mentor Leo Isaac.

Sa ikalawang laro, pinabagsak ng Barangay Gineb­ra ni coach Jeff Cariaso ang Talk ‘N Text ni mentor Jong Uichico, 101-81.

Nagtuwang sina Mark Caguioa, Japeth Aguilar, LA Tenorio at Greg Slaughter sa final canto para ibi­gay sa Gin Kings ang 88-76 bentahe sa Tropang Texters sa huling 3:04 minuto ng sagupaan.

KIA 80 - Revilla 23, Thiele 13, Cervantes 13, Lingganay 11, Saldua 7, Alvarez 4, Sanga 3, Webb 2, Padilla 2, Buensuceso 1, Ighalo 1, Alonzo 0, Pacquiao 0, Raymundo 0.

Blackwater 66 - Tiongson 10, Erram 10, Faundo 6, Nuyles 6, Menor 6, Cawaling 6, Artadi 6, Salvacion 6, Bal­les­teros 4, Rodriguez 2, Laure 2, Austria 2, Timberlake 0, Gamalinda 0.

Quarterscores: 12-21; 25-34; 63-51; 80-66.

GINEBRA 101 - Aguilar 18, Slaughter 16, Baracael 16, Caguioa 12, Helterbrand 10, Mamaril 8, Yeo 7, Ellis 6, Tenorio 4, Brondial 4, Monfort 0, Forrester 0, Urbiztondo 0, Reyes 0, Ababou 0.

Talk ‘N Text 81 - Williams 20, Castro 19, Alas 10, Fonacier 9, Ganuelas 9, Carey 4, Seigle 4, Reyes Ryan 3, Reyes Rob 3, Washington 0, Aban 0, Labagala 0, Espiritu 0, De Ocampo 0.

Quarterscores: 19-18; 45-41; 70-62; 101-81.

BARANGAY GINEB

CHRIS ALGIERI

DE OCAMPO

GIN KINGS

GREG SLAUGHTER

N TEXT

PACQUIAO

REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with