^

PM Sports

Malakas ang Cignal sa PSL

Russell Cdayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kaagad na kumuha ng panalo ang Cignal matapos talunin ang RC Cola-Air Force, 25-17, 25-23, 25-23, sa pagbubukas ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na inihahandog ng Asics kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbida si import Sa­rah Ammerman para sa HD Spikers sa torneong itinataguyod ng Sports Core with Mikasa, Mueller Sports Medicine, Health­way Medical, Jinling Sports at LGR bilang technical partners.

Humataw ang 6-foot-3 na si Ammerman ng 15 hits, 2 aces at 1 block para tumapos na may 18 points  bukod pa sa kanyang depensa na pumigil sa pag­ba­ngon ng Raiders.

Umiskor si Lind­say Stal­zer ng 15 points, habang si Abigail Praca ay may 11 markers para sa Cig­nal.

Sina Ammerman at Stal­zer ay dalawa sa 12 im­ports na kinuha sa torneong may basbas ng Phi­lippine Volleyball Fe­deration, Asian Vol­leyball Confederation at ng Inter­na­tional Vol­leyball Fede­ration.

Si Emily Brown ay nag­poste ng 16 kills at 2 blocks para sa kanyang 18 points, habang may 9 markers lamang si Bonita Wise sa panig ng Raiders.

ABIGAIL PRACA

AMMERMAN

ASIAN VOL

BONITA WISE

COLA-AIR FORCE

JINLING SPORTS

MUELLER SPORTS MEDICINE

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

SHY

SI EMILY BROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with