‘Di na nagsalita si Donaire
MANHATTAN BEACH, California – Hindi na nagsalita pa ng kung-anu-anu si Nonito Donaire Jr. nang magharap sila ni Nicholas Walters sa kanilang hu-ling press conference sa Marriott Hotel.
Tumagal lang ng 30 -segundo sa mikropono si Donaire para magbigay ng kanyang maigsing mensahe,
“What I’ve learned in this training (camp) is that what needs to be done, what words need to be said will be said inside the ring,” sabi ni Donaire. “I usually talk all day about what I’m going do with this and that.”
Alam ni promoter Bob Arum na mapanganib na kalaban si Walters para kay Donaire, ang 2012 Fighter of the Year awardee.
“It’s a very dangerous fight for Donaire,” wika ni Arum, ang co-promo-ter sa nasabing boxing card na nakatakda bukas (Manila time) sa StubHub Center sa Carson.
Ang official weigh-in ay gagawin ngayon sa StubHub Center at hindi ito pinoproblema ni Donaire dahil tumimbang na siya ng 130 pounds na sobra lamang ng apat na libra sa weight limit.
Matapos matalo kay Guillermo Rigondeaux noong 2013 ay nanalo si Donaire kina Vic Darchinyan at Simpiwe Vetyeka para makuha ang WBA featherweight crown, ang kanyang ikaapat na world title sa apat na magkakaibang weight classes.
Bukas ay kailangang talunin ni Donaire si Walters, isang undefeated boxer at kilalang knockout artist mula sa Jamaica.
“It is a very dangerous fight. Nicholas Walters is a tremendous puncher. He presents a big, big challenge for Nonito but Nonito was up to the challenge and wanted a fighter,” sabi ni Arum.
Kung mananalo si Donaire ay maaari niyang hamunin si WBO featherweight king Vasily Lo-machenko.
Ngunit ang knockout win naman ang gustong makuha ni Walters laban kay Donaire.
“I’m just very happy to be here. I’m looking for a good fight. I want to make a good impression to my fans. I’m a hundred percent ready for the right and I will put on a good show,” ani Walters.
“I hope Nonito will come out right as he said so we will be the best fight of the night. And the people can go home and after five or six years after they’re still talking about the fight.”
Ang main event ay pagtataya ng WBA at IBO middleweight crown ni Gennady Golovkin kontra kay Marco Antonio Rubio ng Mexico.
Karamihan sa mga tao ay naniniwalang ang Donaire vs Walters matchup ang magiging ‘fight of the night’.
- Latest