^

PM Sports

Marquez ayaw na talagang labanan si Pacquiao

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kung magbabalik man siya sa ibabaw ng boxing ring sa susunod na taon ay hindi na niya lalabanan si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Ito ang sinabi ni Mexican world four-division titlist Juan Manuel Marquez kaugnay sa kanyang posibleng pagsabak sa ring sa 2015.

Ayon kay Marquez, tiyak nang papaboran ng mga judges si Pacquiao sakaling hindi niya ito mapabagsak sa pang-limang paghaharap nila.

“We had a good win in the fourth fight and if we face him again we run risk of having a close fight and then the judges are going to favor him. So I don’t see a lot of sense in facing him again,” sabi ng 40-anyos na si Marquez sa 35-anyos na si Pacquiao.

Pinatulog ni Marquez si Pacquiao sa huling segundo sa sixth round sa kanilang pang-apat na banggaan noong Disyembre ng 2012.

Ilang beses siyang hinikayat ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na muling labanan si Pacquiao sa pang-lima at hu-ling pagkakataon, ngunit tinanggihan niya ito.

“We won the first three and we won the fourth,” wika ni Marquez. “I think we already demonstrated what we intended to de-monstrate.”

Nauna nang sinabi ng kanyang trainer na si Nacho Beristain na kung hangad ni Marquez na maging kauna-unahang Mexican fighter na nanalo ng limang korona sa magkakaibang weight divisions ay dapat niyang labanan si Pacquiao.

Ang suot na World Box-ing Organization (WBO) welterweight crown ni Pacquiao ang maaaring puntiryahin ni Marquez kung magbabalik siya sa 2015.

Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang naturang titulo laban kay American challenger Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau.

BOB ARUM

CHRIS ALGIERI

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

NACHO BERISTAIN

PACQUIAO

SO I

TOP RANK PROMOTIONS

WORLD BOX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with