^

PM Sports

Tolentino isinusulong na gawing priority sport ang buong cycling

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi papayag ang PhilCycling na ang larong BMX lamang ang gaga-wing priority sports sa cycling ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Hindi puwedeng BMX lang, the whole of cycling dapat. The entire cycling or nothing,” wika ni PhilCycling president at Cavite Representative Abraham ‘Bambol’ Tolentino nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Nagulat siya sa paha-yag na ito ng PSC dahil ang ibang priority sports na tinutulungan ng ahensiya ay hindi naman nakatuon sa isang event lang kungdi sa buong sport.

“Sa billiards, 9-ball lang ba ang priority sport? Hindi naman puwede iyon. Ang cycling ay isa ring Olympic sport.  May ibang sports na kasama sa priority hindi Olympic sport. Nasa kanila naman iyan, kung ayaw nila, so be it. Nakakapaghatid naman kami ng karangalan kahit hindi kami priority sports,” dagdag ni Tolentino.

Ang cycling ang natatanging sport na naghatid ng gintong medalya sa katatapos na Incheon Asian Games nang si Da-niel Caluag ay namayani sa men’s moto ng BMX.

Nakikita pa ni Tolentino na magpapatuloy ang paghahatid ng gintong  medalya ng PhilCycling sa SEA Games sa Singapore sa 2015 at palaban din para sa 2016 Rio de Janiero Olympics.

Magbabalik bilang defending champion ng Myanmar SEAG sina Caluag at Mark Galedo (50-km Individual Time Trial) habang si Caluag ang pambato uli sa Olympics.

Kung magku-qualify, ito na ang lalabas na ikalawang sunod na Olympics ni Caluag at makakabawi siya  sa di pagkakapasok sa semifinals noong 2012 London Olympics.

“Alam na namin ngayon kung ano ang gagawin kaya mas magiging maganda ang laban na maibibigay ni Daniel sa Rio Games,” dagdag ni Tolentino. (AT)

CALUAG

CAVITE REPRESENTATIVE ABRAHAM

INCHEON ASIAN GAMES

INDIVIDUAL TIME TRIAL

JANIERO OLYMPICS

LONDON OLYMPICS

MARK GALEDO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with