Kabayong Mr. Bond nagpasikat sa Klub Don Juan Derby
MANILA, Philippines – Sa ikalawang sunod na taon ay muling nagpasikat ang kabayong Mr. Bond sa paggunita ng pagkakatatag ng Klub Don Juan de Manila matapos pagharian ang Don Juan Derby noong Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Si Fernando Raquel Jr. ang siyang gumabay sa tatlong taong colt na pag-aari ni Hermie Esguerra sa 2,000-metro karera para mahigitan ng Mr. Bond ang naitala noong nakaraang taon nang pa-ngunahan ang KDJM Juvenile Colts.
Sa huling 200-metro lamang nakitaan ng ma-lakas na pagdating ang Mr. Bond para tukain sa meta ang Tap Dance na sakay ni Pat Dilema para sa horse owner na si Leonardo ‘Sandy’ Javier Jr.
Naorasan ang nagwa-ging kabayo ng 2:03 minuto sa distansya para masungkit din ang P900,000.00 unang gantimpala mula sa P1.5 milyong pinaglabanan.
Nakontento sa P305,000.00 premyo ang Tap Dance habang ang Bentley na naiwanan ng Tap Dance ng kalahating kabayo, ay may P163,000.00 premyo.
Pumang-apat ang Husso Porte sa pagdadala ni John Alvin Guce para sa P60,000.00 gantimpala.
Wala namang hirap na dinomina ng Pugad Lawin ang PCSO Anniversar Race sa 1,600-metro distansya at angkinin para kay Antonio Tan Jr. ang P800,000.00 premyo.
May P350,000.00 prem-yo ang Sky Dragon habang ang El Libertador ni Kevin Abobo at Furniture King, coupled entry ng Pugad Lawin at sakay ni AB Serios ay may P200,000.00 at P150,000.00 gantimpala.
Abot din ang tuwa na naramdaman ng SC Stockfarm dahil winalis ng mga lahok ang KDJM Juvenile races.
Matapos manaig ang Cat’s Thunder ay nagpasikat din ang Cat Express na CV Garganta, nang mangibabaw sa mga katunggali sa pangunguna ng Spicy Time.
May P300,000.00 prem-yo pa ang nahablot ng SC Stockfarm sa nakuhang panalo. (AT)
- Latest