^

PM Sports

RTU Spikers nalo sa IEM

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang nakakaangat na koponan kung ang men’s division sa Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference ang pag-uusapan.

Binigo ng Rizal Technological University Blue Thunders ang plano ng Instituto Estetico Manila Volley Masters na manatiling nagsosolo sa unahan nang nangibabaw sa ikaapat at ikalimang sets tungo sa 25-22, 25-27,12-25, 29-27, 15-11, panalo kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ginawa ni Alnasip Laja ang lahat ng 23 puntos sa atake habang sina Sahud Masahud at Sabtal Abdul ay nagsanib sa 25 puntos para makabawi ang RTU mula sa five-sets pagkatalo sa FEU Tamaraws sa unang laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision sa tulong ng Shakey’s.

Dahil rito, magkakasalo ang apat na nagtatagisan sa ligang may suporta pa ng Accel at Mikasa sa 1-1 baraha na magtitiyak na magiging mahigpitan ang rambulan para sa unang dalawang puwesto matapos ang double-round elimination.

Masakit na pagkatalo ito para sa Volley Masters na dominado ang lahat ng departamento sa labanang tumagal ng dalawang oras at 11 minuto.

May 63-57 bentahe ang IEM sa attacks, 13-5 sa blocks, 5-4 sa service ace, 47-32 sa digs at 61-46 sa sets.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban ang Cagayan at Meralco women’s side.

vuukle comment

ALNASIP LAJA

FOREIGN REINFORCED CONFERENCE

INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDERS

SABTAL ABDUL

SAHUD MASAHUD

SAN JUAN CITY

SHAKEY

SPORTS VISION

V-LEAGUE SEASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with