Thunder nirapido ang Mavericks
DALLAS -- Kumamada si Anthony Morrow ng 21 points, habang nagdagdag sina Jeremy Lamb at Steven Adams ng tig-19 markers para tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 118-109 panalo laban sa Mavericks sa kanilang pre-season game.
Nagdagdag si Lamb ng 11 rebounds para sa Oklahoma City na may anim na players na umiskor ng double figures.
Umiskor si Reggie Jackson ng 13 points bago nawala sa laro sa kaagahan ng third period matapos bumagsak na una ang kanyang kanang balikat.
Nagtala naman sina Al Farouq Amino at Jae Crowder ng tig-14 markers para sa Dallas (0-2) na hindi nagamit ang serbisyo ni guard Raymond Felton makaraang magkaroon ng sprained right ankle sa first quarter.
Hindi nakapaglaro para sa Mavericks sina Dirk Nowitzki (right-hip contusion) at Monta Ellis (sprained left knee) dahil sa kanilang mga injury.
Wala naman sa aksyon para sa Thunder ang mga may injury ding sina Serge Ibaka (ankle sprain), Kendrick Perkins (quad strain) at Nick Collison (ankle sprain).
- Latest