^

PM Sports

4 men’s team sa Shakey’s V-League

Pang-masa

MANILA, Philippines - Patitingkarin  ng Shakey’s V-League ang kauna-unahang third conference ng liga sa pagkakaroon ng men’s division na katatampukan ng apat na koponan.

Sina Sports Vision president Ricky Palou at chairman Mauricio ‘Moying’ Martelino ang naghayag nito sa pagdalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Ang mga tiyak na maglalaro ay ang Systema at Instituto Estatico Manila habang pinagpipilian pa alin sa Philippine Air Force, Perpetual Help at Cignal ang isasama para makumpleto ang apat na koponan.

Ang season ending conference sa ika-11th taon ng V-League ay makikitaan pa rin ng tagisan sa women’s division at magtatangka ang Open Conference champion na Philippine Army na makadalawang sunod laban sa hamon ng Cagayan Valley, Meralco at PLDT.

“This is the first time that we are having a third confe-rence and we will also have a men’s division for the first time. We believe in the popularity of the men’s volleyball and we what to give it a push,” wika ni Palou na sinamahan din nina Shakey’s marketing director Chez Manalaysay at PR at Events officer Jam Evaristo.

“We earlier have decided to include the men starting next year. But traditionally, our season starts with collegiate teams and the second and third conference devoted for club teams. So if we don’t start it this time, we will have to wait for the second conference for the men’s to start,” dagdag ni Martelino.

Dahil open ang line-up sa men’s at women’s divisions, ang mga kasali ay puwedeng kumuha ng dala-wang imports para palakasin ang kanilang mga koponan.

Ang Army ay nagpasabi na sila ay maglalaro lamang ng All-Filipino ngunit nakikita ng mga opisyales ng liga na palaban pa rin ang koponan kahit ang mga kalaban ay may imports dahil sa lakas ng line-up ng Lady Troopers.

Kumpiyansa sina Manalaysay at Evaristo na patuloy na tatangkilikin ng mga panatiko ang liga dahil sa pagdaragdag ng men’s division.

Magbubukas ang aksyon sa Linggo sa The Arena sa San Juan City at ang iba pang playdate sa ligang matatapos sa Nobyembre 16, ay tuwing Martes at Huwebes.

Unang laro ay sa ganap na ika-4 ng hapon para sa kalalakihan habang ang kababaihan ay magsisimula dakong alas-6 ng gabi.

Double round ang format at ang mangungunang dalawang koponan ang magsusukatan sa titulo sa best-of-three series habang ang huling dalawang koponan ang maglalaban sa ikatlong puwesto sa isa ring best-of-three affair.

Ang mga eliminatiion round games ay ipalalabas ng  GMA News TV Channel 11 sa delayed basis pero ang Game Two ng Finals ay ipalalabas ng live. (AT)

ANG ARMY

CAGAYAN VALLEY

CHEZ MANALAYSAY

GAME TWO

INSTITUTO ESTATICO MANILA

JAM EVARISTO

LADY TROOPERS

MARTELINO

SHAKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with