‘Di basta nagpatalo Gilas binigyan ng magandang laban ang Iran
INCHEON, South Korea -- Binigyan ng Gilas Pilipinas ng matinding hamon ang Iran bago isinuko ang 68-63 panalo sa pagtatapos ng preliminary round sa men’s basketball compe-tition sa Asian Games kahapon sa Hwaseong Sports Complex dito.
Hawak na ng Pambansang koponan ang 60-53 bentahe, sa huling 3 minuto ng laro, pero kinapitan ng kamalasan ang Gilas nang malimitahan sa tatlong puntos ang tropa ni coach Chot Reyes kum-para sa 15 ng 2013 FIBA Asia Men’s Championship champions.
Ito ang unang pagkatalo ng Pilipinas sa dala-wang laro sa Group E pero aabante pa rin sa second round kasama ang Iran na nanguna sa 2-0 baraha.
“When we didn’t have a big guys inside, we couldn’t get the job done. That was the game when Iran got the lead back. It was hard to get it again,” ani Gilas Pilipinas coach Chot Reyes.
Tumapos si Paul Lee ng 11 puntos habang tig-10 ang ibinigay nina LA Tenorio at Douthit para sa Pambansang koponan.
Ininda pa ng Gilas ang pagkatalsik sa laro ni Marc Pingris na tinawagan ng ikalimang foul habang nasa foul trouble sina Marcus Douthit at June Mar Fajardo.
Nanguna si Mohammadsamad Nik Khahbahrami sa Iran sa kanyang hinakot na 21-puntos.
- Latest