^

PM Sports

Mighty Zeus ipinanalo ni jockey M. Alvarez

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahusay na gina­bayan ni Mark Alvarez ang Mighty Zeus para pasayahin ang mga dehadista noong Martes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ito ang ikaapat na patakbo ng kabayo sa buwan ng Setyembre pero ang naunang tatlong takbo ay sa pagdadala ni RR Camañero.

Sa 1,200-metro pinagl­abanan ang karera na nilahukan ng walong kabayo at hindi nawala ang apat na taong grey horse sa unahan.

Ang Expecto Patronum sa pagdadala ni Dar de Ocampo ang nagdala ng liderato sa kaagahan ng karera habang nakasunod ang Diamond’s Gold at Mighty Zeus.

Sa far turn ay umuna na ang nanalong kabayo at kahit naghabol ang ibang kalahok ay sapat ang lakas ng tambalan para makuha ang tagumpay.

Nakaremate pa ang Wo Wo Duck ni JB Bacaycay para makumpleto ang datingan ng mga ‘di napaborang kalahok.

Ang win ng kaba­yong anak ng Deputy Bodman at Hear Me, ay may P43.50 habang ang paninilat ng Wo Wo Duck sa paboritong Diamond’s Gold  ay may P998.00 dibidendo.

Nagpasikat din ang kabayong Makikiraan Po na hawak pa ng pamalit na hineteng si CV Garganta matapos pa­ngunahan ang 1,000m Handicap Race-1.

Tinapos ng tambalan ang magkasunod na panlimang puwesto pagtatapos sa huling dalawang takbo sa pagdiskarte ni LT Cuadra.

May P36.00 ang ibi­nigay sa win habang ang pagsegunda ng Su­gar Daddy para sa 6-7 forecast ay nagpasok ng P184.50.

Napangatawanan ng kabayong Captain Ball sa pagrenda ni Fernando Raquel Jr. ang pagtitiwala ng bayang karerista sa panalong nailista sa special class division race.

Ang Silver Champ ang pumangalawa upang ang 1-7 forecast ay may P14.50 na ipina­mahagi matapos ang P6.00 sa win. (AT)

vuukle comment

ANG EXPECTO PATRONUM

ANG SILVER CHAMP

CAPTAIN BALL

DEPUTY BODMAN

FERNANDO RAQUEL JR.

HANDICAP RACE

HEAR ME

MIGHTY ZEUS

WO WO DUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with