^

PM Sports

2-bronze mula sa wushu

Beth Repizo-Meraña - Pang-masa

INCHEON, South Korea – Mayroon nang siguradong dalawang bronze medal ang Pinas sa wushu sa kasalukuyang Asian Games matapos pumasok sina Francis­co Solis at Jean Claude Sac­lag sa semifinals ng sanda event competition sa Ganghwa Dol­men’s gymnasium.

Ang 24-anyos na si So­lis na beterano ng dalawang World Wushu Championships, ay su­mandal sa kanyang bilis at lakas para sa 2-0 panalo sa 36-anyos na si Ting Hong Wong ng Hong Kong sa men’s 56kg. division.

Nagawa pang itapon sa labas ng mat ni Solis sa ikalawang round si Hong na be­terano ng tatlong Asian Games.

Bitbit ang inspirasyon na ipinakita ng kakampi, hindi rin pinaporma ni Saclag si Hendrik Tarigan ng Indone­sia para pumasok din sa se­mis ng 60kg. class.

Magkakaroon pa ng pag­kakataon ang dalawang atleta ng wushu na  hi­gitan ang tiyak na bronze me­dal kung mananalo sa se­mifinals ngayon. Katipan ni Solis si Fu­xiang Zhao ng China, habang makaka­tuos ni Saclag si Narender Grewal ng India.

Ang kambal na panalo ay pambawi sa pagkatalo ni Wally Divine sa pambato ng host country na si Kim Hyebin, 0-2, sa women’s 52kg.

Puwede pang madag­dagan ang medalya ng 150-pambansang atleta dahil sina Nestor Cordova at Edgar Ilas ay nanguna sa re­pechage ng lightweight men’s double sculls.

Nanguna sina Cordo­va at Ilas sa tiyempong  6:40.95 sa 2,000m race para pumasok sa finals.

Sasalang naman sa aksyon ang Gilas Pilipinas sa pag­sisimula ng kanilang kampanya sa paghablot ng gin­tong medalya nga­yong araw sa Hwaseing Sports Complex Gymnasium.

Nasa Group E ang Pi­li­pinas at agad silang ma­su­subukan laban sa matatangkad na manlala-ro ng India na itinala  ang 80-61 pagdurog sa Kazakhstan para banderahan ang Group B sa pag­tatapos ng preliminary round kahapon.

Talo na ang Pinas sa shooting, weightlifting at rowing at tennis matapos mabigo ang mga ipinanlabang atleta ngunit may mga puwede pang asahan tulad sa boxing, bowling, windsurfing, cycling, softball at iba pa.

Nakatakdang lumaban ang mga Pambansang boksingero bukas na kabilang sa mga inaasahang makapaghatid ng medalya para sa Pinas.

ASIAN GAMES

EDGAR ILAS

GANGHWA DOL

GILAS PILIPINAS

GROUP B

HENDRIK TARIGAN

HONG KONG

HWASEING SPORTS COMPLEX GYMNASIUM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with