^

PM Sports

Blatche lalaro sa China

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil walang koponang kumuha sa kanya sa NBA, nagdesisyon si Filipino naturalized player Andray Blatche na dalhin ang kanyang husay at talento sa Chinese Basketball Association.

Ayon sa mga online reports, pumirma ang 6-foot-11 na dating Brooklyn Net ng isang one-year contract sa Xinjiang Guanghui Flying Tigers na nagkakahalaga ng $2.5 milyon.

Sa Xinjiang ay makakatambal ni Blatche ang isa pang dating NBA player na si Jordan Crawford sa ha-ngaring maihatid muli ang koponan sa finals matapos matalo sa Beijing Ducks sa nakaraang season.

Huling naglaro si Crawford, ang 2010 NBA draft No. 27 pick, sa NBA para sa Golden State Warriors matapos kumampanya sa Atlanta Hawks, Washington Wizards at Boston Celtics.

Hindi na nakakagulat na nakakuha ng atensyon si Blatche sa China matapos ang kanyang impresibong ipinakita para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa nakaraang world championship sa Spain.

Pinangunahan ni Blatche ang lahat ng players sa efficiency rating mula sa kanyang mga averages na 21.2 points at 13.8 rebounds.

Hindi siya naisama sa Gilas roster para sa 17th Asian Games matapos ideklarang ineligible ng organizers dahil bumagsak sa ipinatutupad na three-year residency rule.

Wala na siya sa NBA subalit inaasahang makikita sa playoffs sa pagtatapos ng CBA season sa Marso.

Sa nakaraang season sa Brooklyn ay nagposte si Blatche ng mga averages na 11.2 points at 5.3 rebounds sa 73 games.

Napabalitang nagtungo sa Miami para makipagkita sa Heat si Blatche pagkagaling sa Spain matapos samahan ang Gilas Pilipinas na kumampanya sa FIBA World Cup.

ANDRAY BLATCHE

ASIAN GAMES

ATLANTA HAWKS

BEIJING DUCKS

BOSTON CELTICS

BROOKLYN NET

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

GILAS PILIPINAS

GOLDEN STATE WARRIORS

JORDAN CRAWFORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with