^

PM Sports

Mayroong aasahan sa mga sanda artists

Pang-masa

INCHEON, South Korea – Kung magkakataon, magbibigay ng dahilan ang mga sanda artist na magdiwang ang mga Pinoy.

Magtatangka ang mga sanda artists na sina Jean Claude Saclag, Francisco Solis at Divine Wally na bigyan na ng medalya ang Pilipinas na nagbabalak na higitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medals na naiuwi mula sa Guangzhou Asiad, China noong 2010.

Nasa quarterfinals na ang tatlong manlalaro ng Pilipinas at katunggali ni Saclag si Hendrik Tarigan ng Indonesia sa men’s -60kg., si Solis ay mapapalaban kay Ting Hong Wong ng Hong Kong sa men’s -56kg. at si Wally ay makikipagtuos kay Kim Hyebin ng Korea.

Kung papalarin ang nabanggit na wushu experts, sila ay papasok na sa semifinals at makatiyak na ng medalya.

Galing si Saclag sa 2-0 panalo kay Lin Tun Kyaw sa unang laban at sasandalan din  niya ang karanasang nakuha noong naka-bronze medals sa 2013 World Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia kontra kay Tarigan na pinagpahinga si Helal Ali Mohammed Alhajj ng Yemen.

Si Solis ay umani rin ng 2-0 panalo kay Ur Reh-mans Shams ng Pakistan habang si Wong ay may ganito ring iskor nang dinispatsa si Lee Wei Loong ng Malaysia.

Galing naman si Wally sa 2-0 pananaig kay Ho pero mapapalaban siya kay Kim na bukod sa pambato ng  host country ay  nag-bye rin sa first round at sariwang haharap sa Filipina sanda player. (BRM)

DIVINE WALLY

FRANCISCO SOLIS

GUANGZHOU ASIAD

HELAL ALI MOHAMMED ALHAJJ

HENDRIK TARIGAN

HONG KONG

JEAN CLAUDE SACLAG

KAY

KIM HYEBIN

KUALA LUMPUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with