NCAA-PC ACCEL Quantum/3XVI Player of the Week
MANILA, Philippines – Noong nakaraang dalawang linggo, parang wala nang magandang mangyayari sa ikalawang season ni CJ Isit sa Mapua.
Ngunit ngayon, kinikilala na si Isit na siyang mahalagang parte ng pagbangon ng Mapua matapos niyang pangunahan ang tatlong sunod na panalo ng Cardinals.
Nag-average si Isit ng Isit 16.6 points, 8-rebounds at halos pitong asssists sa kanilang tatlong sunod na panalo.
Kabilang dito ang kanyang 21 points at 10 assists performance sa 91-81 pa-nanalasa laban sa Perpetual noong Miyerkules.
Dahil sa ipinamalas ni Isit, siya ang napiling NCAA Press Corps ACCEL Quantum-3XVI Player of the Week.
“I’m just doing whatever I can to help my squad. Just doing all I can to win and help out my teammates,” sabi ni Isit matapos ang panalo kontra sa Perpetual na nagsulong sa Mapua sa 4-10 win-loss record na doble ng kanilang produksiyon noong nakaraang taon.
Natutuwa naman si Atoy Co sa ipinapakita ni Isit. “I’m happy for him. He’s finally showing to everyone what he can do. I’m proud of him and my players.”
Bagama’t wala nang pag-asa sa final four, naniniwala si Isit na kaila-ngan ng Mapua ang mga panalo para burahin ang kanilang masasaklap na kabiguan particular ang top two teams na San Beda at Arellano kung saan natalo lamang sila ng average na 4-puntos.
“It was long overdue. I thought we really deserved it cause we’ve been playing really well,” pahayag ni Isit.
Tinalo ni Isit para sa citation ng may ayuda ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Dishwashing sina Dioncee Holts ng Arellano, Jebb Bulawan ng Lyceum at Art dela Cruz ng San Beda.
- Latest