Naghihintay na lang ng kalaban ang USA
BARCELONA, Spain – Hindi mangyayari ang inaasahang gold-medal match-up matapos masilat ang Spain na sumira sa hulang sagupaan ng No. 1 vs No. 2 teams sa finals.
“I think that’s one of the reasons why we came over here, to play them (Spain),” ani US guard Derrick Rose. “Too bad we’re not playing them and hopefully we go out there in our next game and play hard and just know that we’re there for a reason.”
Isang panalo na lamang ang kailangan ng American Team upang muling maging world champions matapos itala ang 96-68 panalo kontra sa Lithuania nitong Martes ng gabi.
Iniskor ni James Harden ang lahat ng kanyang 16-points sa lopsided third quarter na halos kapareho ng kanilang panalo kontra sa Slovenia kung saan bumawi siya sa scoreless first half at humataw sa second half upang tuluyang iwanan ang kalaban.
Makakaharap ng mga Amerikano ang sinumang mananalo sa France at Serbia na maglalaban pa sa isa pang semis match nitong Biyernes.
Maraming naniniwala na parehong may kakayahan ang France at Serbia na makapagbigay ng mabigat na hamon sa USA.
“Obviously they’re playing there for a reason,” pahayag ni Harden. “We’re not going to take anyone lightly, which we haven’t thus far.”
Mas lalong magiging paborito ang US matapos ang nakakagulat na pagkatalo ng Spain sa France noong Miyerkules.
Sa kanilang malawak na karanasan at mga labang muntik na nilang tinalo ang USA sa huling dalawang Olympic gold-medal games, ang Spain ang ikinonsiderang tanging team na may pinaka-may-pag-asang talunin ang mga Amerikano.
Ang walong puntos na kalamangan ng USA sa halftime ay lomobo sa third quarter matapos ang kanilang 33-14 produksiyon mula sa 14-of-19 shooting tungo sa kanilang panalo.
- Latest