^

PM Sports

Princess Ella asam uli ang titulo sa 2nd leg ng Philracom Juvenile Stakes

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbabalik ang Princess Ella para pagtangkaan ang kampeonato sa paglarga ng 2nd Leg ng Philracom Juvenile Stakes race sa Setyembre 21 sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Walong iba pang kabayo ang ninomina para sa karera na handog ng Philippine Racing Commission at paglalabanan sa 1,200-metro distansya.

Ang iba pang kasali ay ang coupled entry ng Princess Ella na Cat Express, Breaking Bad, Shout For Joy, Leona Lolita, Panglao Island,  Señor Patrick, Tubbataha Reefs at Karangalan.

May kabuuang P1 milyon ang premyong paglalabanan at ang mananalo ay kakabig ng P600,000.00 unang gantimpala.

Sa 1,000-metro pinag­labanan ang first leg na ginawa sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite at nakita ang lakas ng nagwaging kabayo na dinis­kartehan ni John Alvin Guce nang maisantabi ang paghahabol ng Hook Shot.

Hindi kasali ang Hook Shot sa pagkakataong ito pero tiyak na magsisikap naman ang Leona Lolita na siyang napaboran sa unang leg pero tumapos lamang sa ikatlong puwesto.

Inaasahang palaban din ang Señor Patrick na siyang nagdomina sa George Stribling Trophy race na kasabay na itinakbo noong nakaraang buwan.

Ang mga colts at fillies ay magkasama uli sa karerang ito pero sa third leg ay maghihiwalay na ang tagisan sa dalawang kategorya.

May pakonsuelo pang P225,000.00 ang papangalawa sa dati­ngan habang ang papangatlo at papang-apat ay may P125,000.00 at P50,000.00 ayon sa pagkakasunod.

Ginagamit ng mga handlers ng mga juvenile horses ang karera para maikondisyon ang mga puwedeng ilaban sa Philracom Juvenile Championship sa Dis­yembre.

Ang lalabas na pinakamahusay na two-year old horse matapos ang 2014, ang siyang mapapaboran na makapagdomina sa 2015 Triple Crown Championship. (AT)

vuukle comment

BREAKING BAD

CAT EXPRESS

GEORGE STRIBLING TROPHY

HOOK SHOT

JOHN ALVIN GUCE

LEONA LOLITA

METRO TURF CLUB

PRINCESS ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with