2 NBA Unrestricted Free Agents sa PBA D-League draft pool
MANILA, Philippines - May kasamang dalawang NBA unrestricted free agents sa 155 aspirants na umaasang makukuha sa Philippine Basketball Association Developmental League 2014 Rookie Draft sa Lunes.
Hindi nakuha sina Moala Tautuaa, isang American born Fil-Tongan at Fil-Am guard Jeramy King sa 2012 at 2014 NBA draft ayon sa pagkakasunod at umaasa silang pareho ngayon na mabubuhay ang kanilang basketball career sa PBA D-League.
May kabuuang 18 Fil-foreign players ang kabilang sa draft pool na puno ng talento para masigurong magiging kompetitibo ang lahat ng 12 teams na maglalaban-laban sa Aspirants’ Cup na magbubukas sa Oct. 27.
“We are very happy with the interest generated by our Rookie Draft. The list indicates that we have a rich pool of talent to select from. After going through the list, I am convinced that we will have a very competitive 2015 season,” pahayag ni PBA Commissioner Chito Salud.
Kasama sa pool ang 46 local players na kasaluku-yang lumalaro sa UAAP, NCAA at NAASCU.
Sinasabing si Tautuaa ang posibleng maging No.1 pick dahil sa malaki nitong pangangatawan. Ang 25-gulang na power forward ay kabilang sa matatangkad na players sa pool sa kanyang height na 6-foot-7 at timbang na 237 lbs.
Siya ay kasalukuyang naglalaro para sa Kuala Lumpur Dragons sa Asian Basketball League.
Hawak ng Cagayan Valley, pang-anim sa Aspirants’ Cup at 10th place sa Foundation Cup noong nakaraang taon, ang No.1 pick. Ang second pick ay sa Tanduay Light kasunod ang Café France, Jumbo Plastic at Wangs Basketball.
Ang anim na bagong koponan ay magbubunutan kung sino ang mga sunud-sunod na huhugot sa araw na mismo ng draft na sisimulan ng ala-una ng hapon sa PBA Office sa Libis Quezon City.
- Latest