USA dinomina ang Dominicans patungo sa Round of 16
BILBAO, Spain -- Inasahan sila sa Barcelona. At umaasa silang matatapos ang kanilang biyahe sa Madrid.
Inangkin ng Americans ang No. 1 seed sa Group C matapos ang kanilang 106-71 victory paggiba sa Dominican Republic sa 2014 FIBA World Cup.
Kumamada si Kenneth Faried ng 16 points para sa U.S. at nagdagdag ng 13 si DeMarcus Cousins mula sa bench.
Tatapusin ng Americans ang kampanya sa Group C sa pagharap sa Ukraine kung saan magkikita sina U.S. coach Mike Krzyzewski at kanyang kaibigan na si dating NBA coach Mike Fratello.
Magsisimula ang Round of 16 sa Sabado sa Barcelona.
Ilang panalo pa at mapapalaban ang US para sa gold medal sa Madrid.
“Obviously we have to take care of here. Nothing’s given,” sabi ni forward Rudy Gay. “We’ve worked hard, we’ve been tested and we’ve overcome that, and also got some pretty big wins.”
Lumamang ang Americans ng tatlong puntos sa first quarter bago dominahin ang Dominicans sa sumunod na tatlong yugto.
Tumipa si Victor Liz ng 15 points para sa Dominican Republic (2-2) at susunod na lalabanan ang Turkey sa hangaring makapasok sa Round of 16.
Naglaro ang Dominicans nang wala si Houston Rockets forward Francisco Garcia.
Nagkaroon si Garcia ng ankle injury sa kanilang panalo kontra sa Finland noong Martes.
- Latest