^

PM Sports

Lee problemado sa Painters

Pang-masa

SEVILLE, Spain – Si Mamerto Mondragon, ang kinatawan ng Rain or Shine sa PBA board, ay tatlong araw na namalagi dito para panoorin ang ilang laro ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup.

Ngunit kahit minsan ay hindi niya kinausap si Paul Lee bagama’t tapos na ang kontrata nito noong Agosto 31.

“The marching order from the team owners (Raymond Yu and Terry Que) is not to talk to Paul. Let Paul concentrate with Gilas first,” sabi ni Mondragon.

“At saka hindi naman kami ang nag-umpisa niyan,” dagdag pa nito.

Ang isa niyang Gilas teammate ay nag-aalala sa estado ni Lee.

“Siyempre medyo magulo ang isip. He’s playing without a playing contract now. What if he gets injured?” wika ng Gilas player.

Bago magsimula ang World Cup ay tinawagan ni Lee si Rain or Shine coach Yeng Guiao at nagtanong kung maaari siyang lumipat ng koponan.

Sinasabing inalok ng isang kinatawan ng koponan ang kampo ni Lee.

 Sinabi naman ng mga opisyales ng San Miguel Corp. at ng MVP Group na hindi sila ang lumapit kay Lee para agawin ito sa Elasto Painters.

Naglaro si Lee sa world meet nang walang guaranteed contract mula sa Rain or Shine.

Maaaring madala ni Lee ang isyu hanggang sa Incheon, Korea kung saan lalahok ang Gilas Pilipinas para sa 2014 Asian Games.

ASIAN GAMES

ELASTO PAINTERS

GILAS PILIPINAS

LEE

LET PAUL

PAUL LEE

RAYMOND YU AND TERRY QUE

SAN MIGUEL CORP

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with