St. Benilde rumesbak sa San Sebastian
MANILA, Philippines - Bumalik ang sigla ng tatlong kamador ng St. Benilde Blazers para bawian ang San Sebastian Stags, 79-74 at manatiling palaban sa puwesto sa Final Four sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 25 puntos kasama ang limang triples sa se-cond half si Mark Romero upang makabawi sa kanyang limang puntos na produksiyon lamang sa natalong laro laban sa San Beda Red Lions, 54-78.
Nakakuha rin ng solidong numero ang Blazers kina Paolo Taha at Jonathan Grey para maibaon sa limot ang 72-74 pagkatalo sa Stags at umangat sa 8-5 karta, kapos ng isang laro sa Perpetual Help Altas at Jose Rizal University Heavy Bombers na nasa ikatlo at apat na puwesto sa magkatulad na 8-4 baraha.
Naghatid ng 19 puntos at 11 rebounds si Taha habang may 18 puntos si Grey at limang sunod ang pinakawalan niya sa krusyal na 7-0 bomba na nagbigay sa Altas ng 71-66 bentahe.
Si Jovit dela Cruz ay may 21 puntos para sa Stags na natalo sa ika-siyam na sunod kahit lumamang ng 17 sa first half, 40-23.
Tulad sa mga nagdaang laro ay naubos ang Baste at patunay rito ay ang 34 second half points na mababa ng tatlo kum-para sa naikasa sa unang 20 minuto ng labanan.
Sumalo ang Letran Knights sa ikapitong puwesto sa pahingang Lyceum Pirates matapos ang 77-70 panalo sa Emilio Aguinaldo College Ge-nerals sa ikalawang laro.
Si Kevin Racal ay nagpasabog ng anim na 3-pointers at dalawa rito ay pinakawalan matapos dumikit ang Generals sa 68-69 tungo sa 5-7 baraha.
May 27 puntos at anim na rebounds si Racal at ang Knights ay nananatiling palaban pa para sa upuan sa semifinals.
Wala pa rin si Noube Happi dahil sa back injury at ang Generals ay nalugmok pa sa 3-9 karta. (AT)
- Latest