^

PM Sports

Bennythewaiter kumamada sa 3YO and Above Maiden A

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpakilala ang kabayong Bennythewaiter nang do­minahin ang 3YO and Above Maiden A race noong Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Si GA Rivera ang sumakay sa kabayo sa 1,200-metro distansyang karera at walang naging problema sa dis­karte ng tambalan dahil hindi umubra ang hamon ng apat na katunggali.

Sa pagbubukas ng aparato ay agad na kinuha ng Ki­nagigiliwan at Big Bee ang unang dalawang puwesto pero ang nasa balyang Bennythewaiter ay agad na humarurot para sa paglampas sa unang kurbada at ina­gaw na ang bandera sa karera.

Sinikap ng Kinagigiliwan na sakay ni EL Blancaflor na sabayan ang nangungunang kabayo pero lalo pang tumulin ito pagpasok sa huling kurbada tungo sa ha­los anim na dipang panalo.

Halagang P10,000.00 ang gantimpalang napanalunan ng connections ng Bennythewaiter at napangata­wanan din ang pagiging paborito sa karera.

Halagang P8.00 ang ibinigay ng win, habang ang  na­liyamadong 1-2 forecast ay mayroon pang P11.50 di­bidendo.

Ang nakapanggulat na kabayo sa pagtatapos ng isang linggong karera ay ang Yellow Cat sa class division 1 race sa 1,200-metro distansya.

Nakita ang magandang kondisyon ng Yellow Cat sa pagdadala ni EG Reyes dahil bande­rang-tapos ang ginawa ni­to sa walong kabayong ka­rera pero pito lamang ang opisyal na meta.

Naghabol ang Garnet ni Mark Alvarez para ku­nin ang ikalawang puwes­to sa Lucky Master na gi­nabayan ni Virgilio Ca­ma­ñero.

Nadehado ang kabayo kahit nanggaling sa pana­lo sa huling takbo dahil ma­bigat ang mga isinabak sa laban.

Naghatid pa ang Yellow Cat ng P42.50, habang ang 6-1 forecast ay nag­hatid ng P227.50 dibidendo.

 

vuukle comment

ABOVE MAIDEN A

BENNYTHEWAITER

BIG BEE

HALAGANG

LUCKY MASTER

MARK ALVAREZ

METRO TURF CLUB

SHY

YELLOW CAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with