^

PM Sports

UAAP Player of the Week si Tolomia

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos lumabas ng os­pital, ang agad na iisipin ay hindi makakatulong ng malaki si Mike To­lomia sa laro ng Far Eas­tern Uni­versity kontra sa nag­de­depensang De La Salle University.

Ngunit pinatunayan ni Tolomia na mali ang ka­nilang akala dahil guma­wa ito ng 22 puntos, limang rebounds at tatlong assists para igiya ang Tamaraws sa 74-70 panalo laban sa Green Archers.

Mismong si Tolomia ang tumayong bi­da nang makuha ang nai­sablay na free throw tungo sa follow up na nagtiyak ng panalo.

Hindi pa rito natatapos ang magandang laro ni Tolomia dahil kontra sa UP, siya ay nagtala ng 19 puntos bukod sa limang re­bounds para sa kanilang 75-69 pananaig.

Ang Tamaraws nga­yon ay nakatiyak na ng play­off para sa Final Four sa kanilang 9-2 baraha at ang pagpapasikat ni Tolomia ay kinilala ng UAAP Press Corps sa paggawad sa kanya ng Accel Quantum/3XVI Player of the Week citation.

“Hindi ko alam what to expect from him. But our team is based on trust. Me­ron kaming malaking trust sa isa’t isa,” wika ni FEU coach Nash Racela kay Tolomia.

May kumpiyansa naman si Tolomia na ang ma­gandang ipinakita sa mag­kasunod na asignatu­ra kaya nilang ulitin sa mga susunod na laro.

Sina Kiefer Ravena ng Ateneo Eagles, Jason Perkins ng La Salle at Charles Mammie ng UE Warriors ang mga tinalo ni Tolomia para sa lingguhang citation.

vuukle comment

ACCEL QUANTUM

ANG TAMARAWS

ATENEO EAGLES

CHARLES MAMMIE

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EAS

FINAL FOUR

SHY

TOLOMIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with