^

PM Sports

Tamaraws solo lider na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng FEU Tamaraws ang pitong sunod na panalo ng nagdedepensang kampeon La Salle Green Archers sa 74-70 panalo sa 77th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Itinaas ng Tamaraws ang intensidad ng kanilang paglalaro sa second half para makabangon sa ‘di magandang panimula na nagresulta para masolo ng koponan ang liderato sa liga sa 8-2 karta.

Hindi nakapuntos sa unang quarter, si Mike Tolomia ay tumapos bitbit ang 22 puntos at ang kanyang offensive rebound matapos ang split sa free throw line sa huling apat na segundo ng laro ang naglayo sa FEU.

“I didn’t know what to expect from Mike today since he was ill the past weekend. But sometime, you have to trust on the player’s instinct,” wika ni FEU coach Nash Racela.

Ngunit sina Jason Perkins, Almond Vosotros at Arnold Van Opstal ay nagsanib lamang sa 20 puntos para bumaba ang Archers sa ikalawang puwesto kasama ang Ateneo Eagles at National University Bulldogs sa 7-3 karta.

Nagpakilala naman si Regie Basibas nang gumawa siya ng career-high sa puntos at rebounds para tulungan ang UST Tigers sa 77-65 panalo sa UP Maroons sa unang laro.

Wala na si Kevin Ferrer, hindi rin nagamit ng Tigers si Ed Daquioag dahil may sprained ankle pero naroroon si Basibas na tumapos taglay ang 16 puntos (5-of-9) shooting at 18 rebounds (8 sa offensive glass) para manatiling buhay ang paghahabol ng Tigers ng puwesto sa Final Four matapos pantayan ang host UE Warriors sa ikalimang puwesto sa 5-5 karta.

Ito ang ika-siyam na pagkatalo sa 10 laro ng UP na nakita ang pagkakatalsik ni coach Rey Madrid sa unang yugto dahil sa dalawang technical fouls. (AT)

 

Sto. Tomas 77 – Abdul 21, Basibas 16, Mariano 13, Vigil 11, Subido 7, She-riff 4, Lo 2, Gayosa 2, Lao 1, Pe 0, Dela Cruz 0.

UP 65 – Reyes 22, Ginge-rich 9, Dario 9, Vito 8, Gallarza 7, Moralde 4, Lao 3, Juruena 3, Asilum 0, Amar 0, Harris 0, Bederi 0.

Quarterscores: 20-11; 36-29; 54-53; 77-65.

 Far Eastern 74 – Tolomia 22, Belo 11, Iñigo 10, Pogoy 7, Escoto 7, Jose 5, Cruz 4, Hargrove 4, Tamsi 4, Dennison 0, Ugsang 0.

La Salle 70 – Teng 28, Torres 13, Perkins 8, Vosotros 7, Van Opstal 5, Sargent 4, Montalbo 3, Rivero 2, Bolick 0, Andrada 0 Tratter 0.

Quarterscores: 15-19, 26-35, 52-51, 74-70.

ALMOND VOSOTROS

ARNOLD VAN OPSTAL

ATENEO EAGLES

BASIBAS

DELA CRUZ

ED DAQUIOAG

FAR EASTERN

FINAL FOUR

JASON PERKINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with