^

PM Sports

La Salle, FEU sososyo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkakataon muli ng La Salle Green Archers at FEU Tamaraws na makasama ang Ateneo Blue Eagles sa tuktok ng standings sa 77th UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Patok ang Green Archers na makuha ang ika­pitong sunod na panalo  da­hil katipan nila ang UP Maroons sa unang laro sa alas-2 ng hapon.

Galing ang nagdedepensang kampeon mula sa 88-86 panalo sa karibal na Blue Eagles sa larong nakitaan  ng paglilista ng season-high na 32 points ni Jeron Teng bukod sa 6 rebounds at 5 assists.

Mas magiging kapa­napanabik ang ikalawang laro sa pagitan ng Tamaraws at UST Tigers sa alas-4 ng hapon.

Papasok ang FEU ga­ling sa 74-70 panalo sa overtime sa National Uni­versity.

Sa nasabing laro ay nakita ang galing ng  bench tulad nina Roger Pogoy at Carl Cruz upang may ma­katuwang sina Mac Belo at Mike Tolomia.

Si Cruz ang nanguna sa FEU sa kanyang 16 points at siya ang nagpa­tabla sa regulation at nag­bigay ng krusyal na pun­tos sa endgame para umakyat sa 6-2 baraha.

“It’s fulfilling to see na ang mga players namin ay may inilalabas pa sa mga ganoong sitwasyon,” wi­ka ni FEU coach Nash Ra­cela.

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

CARL CRUZ

GREEN ARCHERS

JERON TENG

LA SALLE GREEN ARCHERS

MAC BELO

MALL OF ASIA ARENA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with